EP: Alab (2019)












Cahaya lyrics - Kamikazee

Sa huli
Ikaw ang tunay na pag ibig
Sa huli
Ikaw lamang ang iniisip
Sa huli
Pagdating ng panahon
Iyong maiintindihan
Sa huli

Pareho lang
Tayong nasugatan
Sa matatalim na mga salitang
Ating nabitawan

Ayoko lang maranasan mo
Pagkakamaling nadaanan ko
Ilang ulit man magtampo
Laging sasabihin sa iyo

Sa huli
Ikaw ang tunay na pag ibig
Sa huli
Ikaw lamang ang iniisip
Sa huli
Pagdating ng panahon
Iyong maiintindihan
Sa huli

Wag ka na sanang
Mainis sa akin sinta
Hindi buo ang puso at kulang
Kung wala ka

Ayoko lang maranasan mo
Pagkakamaling nadaanan ko
Pauli ulit man magtampo
Laging sasabihin sa iyo

Sa huli
Ikaw ang tunay na pag ibig
Sa huli
Ikaw lamang ang iniisip
Sa huli
Pagdating ng panahon
Iyong maiintindihan
Sa huli

Kung hindi man ngayon
Darating din ang panahon
Mauunawaan din ang lahat

Uno lyrics - Kamikazee

Oh, upod na ang tsinelas at tila ba parang pasan mo ang buong daigdig
Kay rami ng napagdaanan
Tanaw mo na pero bakit gano'n?
Ang hirap marating

Pagpagin ang galos at dumi
Wala lang 'yan, bumangon kang muli

Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

Oh, mapaglarong tadhana
Ilang ulit nang nasugatan, may lalalim pa ba?
Kumapit ka (kumapit ka), at maniwalang
Walang iba, kundi ikaw
Sariling sasagip

Pagpagin ang galos at dumi
Wala lang 'yan, bumangon kang muli

Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

Wala namang nagsasabi na ang buhay ay kay dali
Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi

Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

Agimat lyrics - Kamikazee

Mga nilalaman ng dibdib
Sa awitin ipadidinig
Sa piling mo ang aking langit
Ikaw ang bumuo sa akin

Aking sinta (aking sinta)
Ugat ng kahinaan at lakas
Ligaya kong walang wakas

Lahat ng alaala
Hawak hanggang huling hininga
Pag-ibig na walang makakahigit
Hulog ka ng langit
Ikaw ay isang himala

Ngayon ko lang ito nadama
May ganito pala kasaya
At 'di ko sukat akalain
Ikaw ang bumuo sa akin

Aking sinta (aking sinta)
Ugat ng kahinaan at lakas
Ligaya kong walang wakas

Lahat ng alaala
Hawak hanggang huling hininga
Pag-ibig na walang makakahigit
Hulog ka ng langit
Ikaw ay isang himala

Ang yakap mo
Tahanan ng pag-ibig ko
Ang yakap mo (ang yakap mo)
Tahanan ng pag-ibig

Lahat ng alaala
Hawak hanggang huling hininga
Pag-ibig na walang makakahigit
Hulog ka ng langit
Ikaw ay isang

Lahat ng alaala
Hawak hanggang huling hininga
Pag-ibig na walang makakahigit
Hulog ka ng langit
Ikaw ay isang himala

Leon lyrics - Kamikazee

Bahagyang susulyap
Sa likod kumikislap
Liwanag na yumayakap
Humahaplos sa ulap

Walang kasing sarap
Dahilang ganap

Ikaw ang aking tadhana
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa
Sa dibdib nadarama
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa

Nagkatugma na pintig
Iisa ang ating himig
Ligtas sa piling mo
At hawak mo ang aking puso

Walang kasing sarap
Dahilang ganap

Ikaw ang aking tadhana
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa
Sa dibdib nadarama
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa

Bahagyang susulyap
Sa likod kumikislap
Liwanag na yumayakap
Humahaplos sa ulap

Walang kasing sarap
Dakila at wagas

Ikaw ang aking tadhana
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa
Sa dibdib nadarama
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa
Tayo ay iisa
Tayo ay iisa

Ikaw ang aking tadhana
Kapirasong langit ko sa lupa
Tayo ay iisa

Kidlat Isla lyrics - Kamikazee

Tahan na aking mahal, huwag nang mabahala
Ang awit kong ito ang papawi sa iyong lumbay
Ilahad mo ang lahat, lahat sa akin
At makikinig ako sa iyong mga sasabihin

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita

Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako

Tahan na aking mahal, huwag sanang kakabahan
Itong aking kamay ang sasalo sa iyong mga luha
Iiyak mo ang lahat, lahat sa akin
Bukas ang puso ko sa iyong mga sasabihin

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita

Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako

(Ilahad mo ang lahat, lahat sa akin)
(Iiyak mo ang lahat, lahat sa akin at makikinig ako)

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita

Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako

Nandito lang ako
Nandito lang ako

Followers